Si Hồ Chí Minh, ipinanganak bilang Nguyễn Sinh Cung at kilala rin bilang Nguyễn Ái Quốc, sa Kimlein, Annam, ay isang komunistang manghihimagsik na Biyetnames at politikong naging punong ministro at pangulo ng Demokratikong Republika ng Biyetnam.
Galing siya sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ama, si Nguyen Sinh Sac, ay isang guro at tagapaglingkod at si Hoang Thi Loan, ang kanyang ina, ay namantay naman noong siya ay labing-isang taong gulang. Pagkatapos mag-aral sa Vinh at Quoc College sa Hué, si Ho ay nagturo sa isang pribadong eskwelahan sa Phan Thiet, sa Timog Annam. Ang kanyang pag-iisip ay nag-umpisa noong 1911, noong napagdesisyunan niyang umalis sa French Indo-China. Siya ay pumunta sa Saigon at nagging katukong sa kusina sa isang French passenger liner na Amiral Latouche-Treville. Pagkatapos ay nagtrabaho siya sa London at Paris bilang kusinero at iba pa. Siya rin ay nagpunta sa United States. Ang kanyang pamphlet, “La Race Noire”, na naipublish sa Moscow noong 1924, ay pinaniniwalaang ito ay base sa kanyang mga karanasan sa pagbyahe noong 1914 – 1916. Pinaniniwalaan ding pansamantala siyang tumira sa